Miyerkules, Disyembre 18, 2013

Opinyon mo yan!

Opinyon mo yan!
Ang teoryang Spiral of Silence ay karaniwang nakikita sa isang grupo na gumagawa ng isang desisyon at kapag hinihingi na ang opinyon ng bawat isa. Ang isang tao na nagbigay ng opinyon na mas marami ang sumang-ayon ay mas malaki ang oportunidad na siya ay mapakinggan at kapag may isang tao na taliwas sa opinyon ng nakakarami, mas pipiliin niyang manahimik at pumayag na lamang sa desisyon ng nakararami. Ang taong mas piniling pumanig sa nakararami ay maaaring takot mag-isa na isang aspeto na nagpapatibay sa teoryang Spiral of Silence.
Ang teoryang ito ay madalas nating naeengkwentro kung tayo ay magkakaroon ng mga diskusyon sa ating grupo ngunit ito rin ay may hindi sakop. Halimbawa na lamang kapag ang nagbigay ng opinyon ay isang taong may mataas na posisyon sa grupo, hindi man sang-ayon sa kaniya ang kanyang mga kamyembro ay sa kanyang opinyon parin ang mananaig kahit siya lamang ang may gusto nito. Wala paring magagawa ang karamihan dahil siya ang mas nakakataas.
Lahat ng teorya ay isang teorya lamang upang maging gabay sa ating pamumuhay. Bawat teorya ay may kanya-kanyang sakop o hangganan. At ang bawat teorya ay maaaring tama o hindi sa paningin ng tao base sa pagkakaunawa nito. Kaya sa teoryang Spiral of Silence ay sumasang-ayon ako dahil base sa takbo ng aking pamumuhay ay halos araw-araw ko itong napagdadaanan.

Spiral of Silence Theory
By Elizabeth Noelle-Nuemann

12 komento:

  1. maganda at naiintindiahn yung pagkakapaliwanag sa teorya. dagdagan na lang siguro ng kwento, mga na-experience mo :))))

    TumugonBurahin
  2. bet q po ung last paragraph. mejo konek dn po pla yan s group think anu? effective po ung paggmt n giselle ng photos. lagay k dn po kya ng photos ng meetings natn. :)))

    TumugonBurahin
  3. Magaan ang pagkakalahad kaya madali sana siyang intindihin kung hindi lang komplikado ang mga pangungusap. May mga pangungusap kasing masyadong maraming thought kaya medyo nakakalito ang nais sabihin. Isa pa, ipinaliwanag mo ang teorya, nagbigay ka pa nga ng halimbawa. Pero nakalimutan mo namang magbigay ng sarili mong opinsyon na siyang importante sa blog post na ito :)

    TumugonBurahin
  4. Lahat ng teorya ay isang teorya lamang... baka may mas proper term pa dito na mas mainam kung gagamitin.

    Kanino nanggaling ang teorya at proper citation.
    Mas i-elaborate yung mga halimbawang nagpapatibay sa teorya :D

    *May gusto ka bang patamaan? HAHAHAHAHAHAHAHA. :D

    TumugonBurahin
  5. Naniniwala ka ba sa theory na ito? Kung hindi kita kilala, hindi ko alam kung anong stand mo sa theory na ito. Pero dahil kilala kita alam kong may hugot ang theory na ito. (para lang sa ibang babasa)

    TumugonBurahin
  6. Gusto ko 'tong theory mo. Iyan pala ang tawag. Okay. Now I know. :) Sumasang-ayon ako dito. Kasi. Yes. Hahaha. Basta.

    *Proper citation bebe. Tapos more example pa! Marami kang mabibigay dito, for sure. :)

    TumugonBurahin
  7. Alam ko mapapaganda mo pa to. Medyo nakulangan lang po ako. But I like this theory.

    TumugonBurahin
  8. typo errors po. dagadagan ng halimbawa gaya ng sariling karanasan

    TumugonBurahin
  9. 1
    Proper citation please.

    2
    Sumang-ayon ka, tapos? Anong tingin mo sa teorya? Palalimin.

    3
    Kung napagdadaanan mo ito palagi, pwede bang pahingi ng eksaktong karanasan
    na mas makakapagpagaan sa maikli mong sulatin?

    TumugonBurahin
  10. nagki-critique tayo upang maibahagi ang ating naiisip tungkol sa teoryang napili natin.

    siguro magdagdag ka rin ng sarili mong experiences....
    citations na lang at ang stand mo sa teorya at magiging maganda ang kalalabasan dahil bago sa akin ang teoryang ito :)

    TumugonBurahin