Lunes, Abril 25, 2016

Hello from the Other Side...

Yes! Hello! Hello from the other side!

Hello Adele! Pahiram ng ilang lyrics sa kanta mo ha. :) Thank you!

Hello! "Kamusta" sa Tagalog. Kamusta! Tama ba? Ka-Mus-Ta. Three syllables. Kamusta. Pero pwede ring Hi. Hi! Para isang banggitan lang. Pero parehas naman din ang ibig sabihin. Tama ba?
Hello!
Kamusta?
Hi!
Kailangan ba ng Sagot? Pwede. Pwede pero depende? Depende. De-Pen-De. Three syllables. Depende. Pero pwede rin sigurong Oo? Oo. Two syllables. O-O. Ayan dalawa lang. Mas madaling banggitin. Pero pwede rin yung Hindi. Hindi. Two syllables. Hin-Di. Dalawa rin. Bahala ka na nga lang. Bahala. Ba-Ha-La. Three syllables. 
Depende.
Oo.
Hindi.
Ha?
Bahala.
Aray! Parang balewala. Ba-Le-Wa-La. Apat. Four syllables. Apat na pantig pero parang malakas ang dating. 
Haha.
Enough.
Stop.
Stop? One syllable. Stop. Ok. Madali naman akong kausap.
Hahaha.
Stop for now. Later nalang ulit.
Ewan!
Ewan. Two syllables. E-Wan.
Wala.
Wala. Two syllables. Wa-La
Wala akong magawa.
Hindi. Nagbibiro lang. Oo. Meron. Meron. Two syllables. Me-Ron. May dahilan. Dahilan. Three syllables. Da-Hi-Lan. Dahilan. May dahilan kung bakit ako nagsulat.
Oo.
Ano?
Hindi.
Sino.
Sino? Two syllables. Si-No. Sino.
Ikaw. Two syllables. I-Kaw. Ikaw.
Oo.
Ikaw.
Hello!
Kamusta?
Hi!
Gusto ko lang mangamusta.
Kamusta?
Kamusta ka?
Kamusta ka na?
...

Biyernes, Marso 18, 2016

Maligayang Pagbabalik!

Magandang Umaga!

Makalipas ang isang taon, nakapagsulat ulit ako.
Saan na ba ako dinala ng aking mga paa?

Heto ako ngayon. Kakatapos lamang ng kontrata sa trabaho. Magaling! Natupad ang aking kahilingan na makakuha ng trabaho na magagamit ang aking kaalaman sa kursong kinuha ko at sa organisasyong sinalihan ko sa kolehiyo. Masaya! Napakasaya! Kung iisipin, marami akong napagdaanan bago ko makuha ang ganoong trabaho. Nag-apply ako sa mga call center companies, media, communication related agencies, at marami pang iba. Hindi ko akalain na sa isang advertising company ako mapupunta. Fulfilling! Marami akong natutunan at naranasan. Parang hindi nga trabaho yung napasukan ko e. Kasi nag-eenjoy ako. Sobra!

Pero ngayong tapos na nga ang trabaho ko, nakakakaba. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Bagong panimula ulit. Mahirap lalo na't marami kang makakasabay na mga bagong graduate na tila mas maraming bagong alam kaysa sayo. Syempre, hindi dapat magpahuli. Kailangang magrefresh! Hayst! Ang bilis ng panahon...

Syempre, wala muna sa option ang mag-aral ulit dahil tinatapos pa ng ate ko ang kurso nya. Gusto ko sanang mag-aral ng ibang kurso. Gusto ko kasi talagang kumuha ng kursong arkitektura. Mahilig kasi akong magdrawing. :) O kaya naman ay abugasya. Pangarap ko kasi yun simula pa pagkabata. Kaso tamad ako magbasa kaya parang tagilid. Hahaha. Kung magmamasteral naman, parang hindi ko gusto. Hindi ko naman kasi talaga gusto yung kurso ko. Hindi nga ba? Sadyang dun lang ako dinala ng feelings ko at di ko rin trip magturo.

Hay buhay! Pero ngayon, maghahanap talaga muna ako ng trabaho. Kung may opening sa media, mag-aapply ako. Gusto ko kasing magtrabaho dun. Kung hindi naman papalarin, magrerenew ako sa July tapos raket muna ngayong bakasyon.

Biyernes, Pebrero 6, 2015

Halo-halong Kaisipan

Magandang Buhay!

Gusto ko lang i-update itong blog ko.
Sana magkaroon na ako ng oras para makapagsulat ulit.
Marami akong gustong isulat tungkol sa nangyayari sa akin at sa paligid ko.
Maging sa tatahakin kong reyalidad ng buhay kapag nagtapos na ako sa kursong ito.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Sa tuwing makikita ko ang iba na desidido na kung ano ang gusto nila kapag nakatapos.
Sana kung saan man ako dadalhin ng paa ko ay maging masaya ako.
At magamit ko lahat ng pinag-aralan at talento ko.
Gaya ng pagkakadala ko dito sa kursong ito.
At sa nasalihan kong grupo na nagpakulay ng aking kolehiyo. 

Martes, Mayo 27, 2014

PERA #5

Hello Blog!

Parang di ko nagustuhan yung last na sinulat ko... Kaya magpopost ulit ako ng panibago. :)

Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nakabisita ah... Kasi nagkaroon na ng WiFi dito sa bahay kaya sa phone nalang ako nag-oopen. Anyway...

Ganun na ba talaga kaimpluwensya ang PERA? Simula sa balita hanggang sa pang-araw-araw na buhay laging napag-uusapan. Meron kasi saking nag-open about her money problem. Pinuproblema nya yung perang pinautang nya sa isang event na hindi pa nababayaran tapos kailangang kailangan na nya kinabukasan. Matagal na yun na utang sa kanya pero the night before lang nya siningil. Di ko naman sya masisi kasi kailangan nya yon. Pero nung nalaman ko yung dahilan kung saan nya gagastusin, ay naku! Para lang may pambudget ka sa gala mo kaya ka maniningil ng ganung oras? I find it too selfish! Grabe! Dahil sa pera kaya parang gusto na nya magpakamatay. Really. Sinabi nya yun sakin. Di kasi nya sinabi sa magulang nya na may pupuntahan sya kaya di sya binigyan ng pera. Nung araw lang din yun kasi nya sinabi sa kanila. Kaya ang option nya ay maningil. Naku. Naku. Naku. Ang pangit lang tignan. Naalala ko nga yung sinasabi nila Mama na kapag may babayaran, sabihin ahead of time para makaprepare ng pera. Pero sya, bukas kailangan, ngayon lang manghihigi? Siguro nga hindi kami pareho pero sana naisip nya yon. Pero don't worry. Nasolve na naming dalawa ang money problem nya. :) Buti nalang daw nakausap nya ko. Kahit papaano daw ay nabawasan yung suicidal attempt nya.

PERA. PERA. PERA. Bakit nabuo ka pa? Alam mo ba na maraming nasisira ang buhay dahil sayo? OO, nakakadulot ka ng ginhawa pero hindi lahat kaya mong tapatan.

Di lang naman PERA ang sikat ngayon. Nandito narin si INTERNET na kinalolokohan ng mga tao gaya ko. Siguro, ang masasabi ko nalang, nasa TAO kung paanoo nya gagamitin ang mga ito. Sa Mabuti man o Masama. Pero sana wag nating kalimutan na tayo'y TAO. Ang mga iyan ay mga BAGAY lamang. Dapat ang BAGAY ang GINAGAMIT ng TAO, hindi TAO ang GINAGAMIT ng BAGAY. :)

Biyernes, Mayo 2, 2014

2014? #4

Alam nyo ba kung bakit 2014?

Sa bawat umpisa kasi ng taon, kinaugalian na naming magkakapatid na makinig sa mga astrologers o stargazers kung anu-ano ba ang posibleng mangyayari sa bawat Chinese Zodiac Signs. Sadyang gusto lang naming malaman kung anu-ano yung mga predictions. Nakakatuwa kasing marinig kung ano yung maaaring mangyari sayo buong taon lalo na kapag sumingit na ang usapang love status.

Hindi ko alam kung nagkataon lang na yung mga nakalagay sakin tungkol sa magiging takbo ng buhay pag-ibig ko ay parang medyo nagkakatotoo? hahaha. Hindi ko alam. Ewan ko lang. O baka nagkataon lang talaga. Hindi naman kasi ako ganun naniniwala dun. Nirerelate ko lang. :) Echos!

Ganito kasi yun, simula kasi nung pumasok ang taon, masasabi ko na parang naging makulay yung lovelife ko. hehehe (makulay talaga?) Hindi naman pero ewan ko ba. Ang daming nagparamdam sakin bigla. May mga taong hindi ko talaga kilala at yung iba naman ay dati ko nang nakilala. Hindi ko alam kung totoo nga ang sinasabi ng mga astrologers o sadyang nataon lang talaga na siguro medyo naging open ako sa tao kaya maraming nakikipag-usap sakin. Pero syempre, hindi pa naman tapos yung taon. Marami pang buwan na dadaan. Kung mangyari man, alam ko na inline yun sa gustong mangyari sakin ni Lord. :)

Hindi naman masama na maniwala sa Zodiac Signs o Horoscope. Maaari itong maging guide sa magiging takbo ng buhay natin pero syempre, hindi tayo dapat labis na umasa. Kailangan parin na pagtrabahuhan natin yung gusto nating makuha. At syempre, God must be the center of all. Siya lang ang may control sa buhay natin dahil hiram lang natin ito sa kanya.

Miyerkules, Abril 30, 2014

Puso #3

I don't know what to write ...

Hindi ko talaga alam kung anong isusulat ko. Marami akong naiisip "oo" pero alam ko na hindi ito ang gustong isulat ng mga kamay at puso ko. (May pag "puso" talaga. hahaha)


Puso. Naalala ko nga nung new member ako ng org namin, may nakapagsabi na alumni na dapat isinasapuso ang lahat ng ginagawa. Kailangan mo munang mahalin yung ginagawa mo para magawa mo ito ng maganda. Alam kong tama sya. Napaisip tuloy ako, kailan ko ba isinapuso yung ginagawa ko? Ang kasiyahan ba habang ginagawa mo ang isang bagay ay katumbas narin ng pagmamahal mo sa ginagawa mo?


Ako yung tipo ng tao na maraming katanungan sa buhay. (lahat naman siguro) Ako rin  yung tao na tinatanong yung iba kung ano ako sa paningin nila. Bakit? Hindi ko kasi alam o kilala kung ano o sino ba talaga ako. Meron bang ganun? May nakapagsabi sakin dati na sinabi sa kanya na normal lang na magdoubt ka sa sarili mo. Parte daw yun ng buhay ng isang tao. Senyales din na nagmamature ka na. Namotivate ako dun pero di ko parin maiwasan  na magtanong. Sabi rin ng iba, kulang lang daw siguro ako sa acceptance. Siguro nga oo pero ang makakasagot lang ng tanong ko ay ang sarili ko at syempre si Lord. :) I'm still in the process. :)


Speaking of... I had a heart to heart talk with God last night. Bakit? Hindi ko alam kung bakit "heart to heart talk", feel ko lang :). Hindi ko rin alam kung bakit ako napaiyak nung kinakausap ko sya. Aminado ako na napapalayo na ko sa kaniya kaya kagabi, bigla ko syang kinausap at naramdaman ko ulit na nandyan sya. Nandyan lang naman talaga sya. Ako lang naman yung lumalayo. :) Pero, ok na ko... Sana :)... Oo... Ok na ko... Kasi alam ko  na nandyan lang sya.


Hindi ganun konektado yung tatlong istorya na ibinahagi ko pero ang masasabi ko nalang, ito yung gustong isulat ng mga kamay ko at syempre ng PUSO ko :)

Lunes, Abril 28, 2014

Kulay ko to! #2

Hi! Dapat talaga kahapon ako magsusulat e, pero di ako makasingit sa ate ko... Anyway, usap-usapan kasi ngayon ang PBB all in. Maraming nagsasabi na scripted ito at puro mayayaman ang nakuha. Ang masasasabi ko lang, mukha nga... Naalala ko nga yung sinabi ni Mama nung nanonood kami ng opening, "Bat di ka sumali dyan?" ang sabi ko, "Ayoko kasi sobrang dami ng pumipili dyan at wala namang kukunin. Puro may mga backer o may kilala na sa loob ang nakakapasok."

Oo nga no, puro magaganda't gwapo yung mga kinuha nila. Naalala ko tuloy ng minsan akong makasama sa isang TVC. Naawa ako sa sarili ko at sa kagaya ko. Bakit? Ikaw ba naman kasi ang tanggalin sa kalagitnaan ng sayaw at pagkatapos mo matanggal ay pinaglagay ng pulbo sa tuhod yung mga babae. Meaning bawal maitim ang tuhod. In-short, ayaw nila sa maiitim na kagaya ko. Di sila tumitingin sa talento ng isang tao kundi sa pisikal na kaanyuan nito. Oo commercial sya pero, masama ba na ipromote ang totoong kulay talaga natin? Sabi ko nga sa sarili ko, pag ako naging direktor ang kukunin ko talaga yung ganda at kulay Pilipina. Para hindi na kailangang magpaputi ng mga gaya ko para lang magkaroon ng lakas ng loob na makatungtong o makita sa telebisyon at para maging proud sila sa kung ano ang meron sa kanila.

Kung ang mga taga-ibang bansa nga ay nagpapa-tan o nagpapaitim para magkaroon sila ng balat tulad natin e, tapos tayo gustong magpaputi para magaya natin sila? Oh Come On!

Hay! Kailan kaya mababago ang pag-iisip ng mga tao? Marami tayong nakikita kaya marami rin tayong napupuna. Maraming mapanghusga dahil sa siniset na standard ng isang tao... Meaning, tao ang nagseset. Paano nalang ang sinet na standard ni God?