Sabado, Disyembre 7, 2013

Matutulog?Gigising?Ang Ending, Tulog!

     Hi Zai, I love the way you grow now. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Only destiny can put us together.

     Inaantok pa ko. Gusto ko pang matulog.

     Kunwari sya yung katabi mo. "Hi! Ate!"

     Anong oras na ba? Di ba kami aalis? Kala ko ba aalis kami ng 4am? Mga tulog pa tong kasama ko.

     Ay! Di ko pala na-off yung cellphone ko...10% nalang tuloy...Restart pala yung napindot ko kagabi. 5:58 AM na...

     Ang ingay ng manok... Bakit kaya? Nilabas tuloy ni Papa... Nabwisit sa manok.

     Hay, gusto ko pang matulog. Hindi ko alam kung bakit nagising ako agad. Siguro dahil maraming gagawin??? Iaantok pa talaga ako.

     Oi, di pa tayo aalis? Matulog pa kaya ulit ako? Inaantok pa talaga ako. Ang lamig ah...Wala na pala akong kumot. Gusto ko pang matulog. Ramdam kong kulang pa tulog ko...Pero bakit ba kasi nagising ako agad? Sabi nila kasi aalis ng maaga...Di pala...hahaha...Expectancy Violation Theory...Module pala ng ______ di ko maalala yung sinusulatan ko...ah Comm Theories... Module pala ng Comm Theories ang sinusulatan ko...

     Oi, mukhang magchachamporado si Papa ha.

     Inaantok pa talaga ako. Matutulog pa kaya ako? Pag natulog ako, fulfillment... Pag hindi, anong gagawin ko ng ganito kaaga? Gusto ko pang matulog. Wala pa namang gising sa mga ate ko e... Late narin nakatulog kagabi... Inaantok pa ko... Kunin ko kaya yung charger ko? Tinatamad pa kong kunin... Kunin mo na... Malolobat ka na... Inaantok pa talaga ko... Mamaya na kaya? Kunin ko nalang kaya... Saglit lang naman yun, kukunin ko lang sa bag... Geh kunin ko nalang... lang antok pa talaga ko... Sarap kaya matulog!!!...

     (Lipat pwesto, pikit, ramdam paligid)

     Kukunin charger, hindi? Kukunin, hindi... Ang ending kinuha... Ayun charge na... E nagising si Ate... E tulog pa yung isa... at mukhang matutulog pa yata ulit... Shet! parang gising na talaga ako ha! Hindi pwede to...Kulang pa tulog ko...Baryern!

     May monologue pa ni coffee akong gagawin...

     Sulat ko nadin kaya ngayon? Sabi nila kasi mas maraming ideas pag bagong gising e...fresh pa...pero inaantok pa talaga ako...

     (Galaw, kumot- lamig e, hinto. Pikit.)

     Ano bang karaniwang ginagawa sa kape? Gusto ko Comedy para masaya... Sabi ni Kuya Ozi sama ko daw yung mga linya sa pelikula... Direktor ako na nag-iisip ng lines habang nagkakape... Ang tendency, inarte ko yung mga lines...

     Hay inaantok pa talaga ako...

8 komento:

  1. Don't deprive your self of the things you want and need. Kahit gano pa kadami gagawin mo, matulog ka kung yun ang hinihingi ng katawan mo. HAHA

    TumugonBurahin
  2. Pabasa ako nung monologue mo pagkatapos. :)

    TumugonBurahin
  3. Gusto kitang makitang mgcomedyyyy! :D nakakexcite. Bagong Rizza <3

    TumugonBurahin
  4. Happy birthday, Rizza! :)

    TumugonBurahin
  5. Hahaha matulog ka na lang para masaya! :))

    TumugonBurahin