Biyernes, Disyembre 27, 2013

Opinyon Mo Yan 2.0...

May Opinyon Din Ako!

        Ang teoryang Spiral of Silence ay karaniwang nakikita sa isang grupo na gumagawa ng isang desisyon(University of Twente). Kapag hinihingi na ang opinyon ng bawat isa, hindi maiiwasan na mas mapakinggan ang opinyon ng mas malakas ang boses, mas maayos ang pananalita, at mas may tiwala sa kanyang sinasabi, tama man ito o mali. Samantala, ang taong mahina ang boses, nauutal kung magsalita dahil sa sobrang kaba o sa sobrang pag-iisip kung tama ba o mali ang kanyang sasabihin, at kung siya ba ay papakinggan ng kanyang mga kasama, na kahit may punto ang kanyang sinasabi ay madalas na hindi ito napapakinggan dahil sa tingin ng iba ay hindi ito kapanipaniwala. Kaya mas pipiliin nalang nitong manahimik kapag natapos na siyang magsalita. Ngunit kung minsan ay naisasakatuparan ang idea ng taong ito kapag nabanggit na ito ng taong may mas malakas na paninindigan sa kanyang mga sasabihin. Pero ang masakit sa loob ay ang taong iyon pa ang mabibigyan ng papuri dahil sa maganda nitong opinyon kesa sa naunang nagsabi nito na hindi lang napakinggan. 

        Isa rin sa nagpapatibay ng teoryang ito ay kung ang tao ay may takot na mag-isa o may takot na hindi matanggap ng nakararami(Mass Communication Theory: from Theory to Practical Application). Kapag mas maganda ang opinyon ng isa at mas marami ang sumang-ayon dito ay sa kanya ka narin sasang-ayon kahit hindi mo gusto ang idea nito dahil sa ayaw mong maiwang mag-isa.

        Dahil sa teoryang ito, napag-alaman ko na isa rin ako sa mga taong nananahimik nalang at hinahayaan na ang iba ang mapakinggan kahit alam ko na mas mainam pa ang aking idea. Hindi man maganda ang ganitong pag-uugali ay mahirap din itong maiwasan lalo na't iniintindi mo ang sasabihin ng iyong mga kasama. At dahil din sa teoryang ito, natutunan ko na hindi dapat ako matigil sa ganoong pag-iisip dahil mas masakit sa kalooban kung hindi ka mapapakinggan. "Learn to Speak-Up", ika nga.

       
        Lahat ng teorya ay isang teorya upang maging gabay sa ating pamumuhay. Bawat teorya ay may kanya-kanyang sakop o hangganan. At ang bawat teorya ay maaaring tama o hindi sa paningin ng tao base sa pagkakaunawa nito. Kaya sa teoryang Spiral of Silence ay sumasang-ayon ako dahil base sa takbo ng aking pamumuhay ay halos araw-araw ko itong napagdadaanan sa tuwing kailangan nang magbigay ng opinyon ang bawat isa.



Spiral of Silence
Elisabeth Noelle-Neumann



Sources:

Miyerkules, Disyembre 18, 2013

Opinyon mo yan!

Opinyon mo yan!
Ang teoryang Spiral of Silence ay karaniwang nakikita sa isang grupo na gumagawa ng isang desisyon at kapag hinihingi na ang opinyon ng bawat isa. Ang isang tao na nagbigay ng opinyon na mas marami ang sumang-ayon ay mas malaki ang oportunidad na siya ay mapakinggan at kapag may isang tao na taliwas sa opinyon ng nakakarami, mas pipiliin niyang manahimik at pumayag na lamang sa desisyon ng nakararami. Ang taong mas piniling pumanig sa nakararami ay maaaring takot mag-isa na isang aspeto na nagpapatibay sa teoryang Spiral of Silence.
Ang teoryang ito ay madalas nating naeengkwentro kung tayo ay magkakaroon ng mga diskusyon sa ating grupo ngunit ito rin ay may hindi sakop. Halimbawa na lamang kapag ang nagbigay ng opinyon ay isang taong may mataas na posisyon sa grupo, hindi man sang-ayon sa kaniya ang kanyang mga kamyembro ay sa kanyang opinyon parin ang mananaig kahit siya lamang ang may gusto nito. Wala paring magagawa ang karamihan dahil siya ang mas nakakataas.
Lahat ng teorya ay isang teorya lamang upang maging gabay sa ating pamumuhay. Bawat teorya ay may kanya-kanyang sakop o hangganan. At ang bawat teorya ay maaaring tama o hindi sa paningin ng tao base sa pagkakaunawa nito. Kaya sa teoryang Spiral of Silence ay sumasang-ayon ako dahil base sa takbo ng aking pamumuhay ay halos araw-araw ko itong napagdadaanan.

Spiral of Silence Theory
By Elizabeth Noelle-Nuemann

Sabado, Disyembre 7, 2013

Matutulog?Gigising?Ang Ending, Tulog!

     Hi Zai, I love the way you grow now. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Only destiny can put us together.

     Inaantok pa ko. Gusto ko pang matulog.

     Kunwari sya yung katabi mo. "Hi! Ate!"

     Anong oras na ba? Di ba kami aalis? Kala ko ba aalis kami ng 4am? Mga tulog pa tong kasama ko.

     Ay! Di ko pala na-off yung cellphone ko...10% nalang tuloy...Restart pala yung napindot ko kagabi. 5:58 AM na...

     Ang ingay ng manok... Bakit kaya? Nilabas tuloy ni Papa... Nabwisit sa manok.

     Hay, gusto ko pang matulog. Hindi ko alam kung bakit nagising ako agad. Siguro dahil maraming gagawin??? Iaantok pa talaga ako.

     Oi, di pa tayo aalis? Matulog pa kaya ulit ako? Inaantok pa talaga ako. Ang lamig ah...Wala na pala akong kumot. Gusto ko pang matulog. Ramdam kong kulang pa tulog ko...Pero bakit ba kasi nagising ako agad? Sabi nila kasi aalis ng maaga...Di pala...hahaha...Expectancy Violation Theory...Module pala ng ______ di ko maalala yung sinusulatan ko...ah Comm Theories... Module pala ng Comm Theories ang sinusulatan ko...

     Oi, mukhang magchachamporado si Papa ha.

     Inaantok pa talaga ako. Matutulog pa kaya ako? Pag natulog ako, fulfillment... Pag hindi, anong gagawin ko ng ganito kaaga? Gusto ko pang matulog. Wala pa namang gising sa mga ate ko e... Late narin nakatulog kagabi... Inaantok pa ko... Kunin ko kaya yung charger ko? Tinatamad pa kong kunin... Kunin mo na... Malolobat ka na... Inaantok pa talaga ko... Mamaya na kaya? Kunin ko nalang kaya... Saglit lang naman yun, kukunin ko lang sa bag... Geh kunin ko nalang... lang antok pa talaga ko... Sarap kaya matulog!!!...

     (Lipat pwesto, pikit, ramdam paligid)

     Kukunin charger, hindi? Kukunin, hindi... Ang ending kinuha... Ayun charge na... E nagising si Ate... E tulog pa yung isa... at mukhang matutulog pa yata ulit... Shet! parang gising na talaga ako ha! Hindi pwede to...Kulang pa tulog ko...Baryern!

     May monologue pa ni coffee akong gagawin...

     Sulat ko nadin kaya ngayon? Sabi nila kasi mas maraming ideas pag bagong gising e...fresh pa...pero inaantok pa talaga ako...

     (Galaw, kumot- lamig e, hinto. Pikit.)

     Ano bang karaniwang ginagawa sa kape? Gusto ko Comedy para masaya... Sabi ni Kuya Ozi sama ko daw yung mga linya sa pelikula... Direktor ako na nag-iisip ng lines habang nagkakape... Ang tendency, inarte ko yung mga lines...

     Hay inaantok pa talaga ako...