Martes, Mayo 27, 2014

PERA #5

Hello Blog!

Parang di ko nagustuhan yung last na sinulat ko... Kaya magpopost ulit ako ng panibago. :)

Pasensya ka na kung ngayon lang ulit ako nakabisita ah... Kasi nagkaroon na ng WiFi dito sa bahay kaya sa phone nalang ako nag-oopen. Anyway...

Ganun na ba talaga kaimpluwensya ang PERA? Simula sa balita hanggang sa pang-araw-araw na buhay laging napag-uusapan. Meron kasi saking nag-open about her money problem. Pinuproblema nya yung perang pinautang nya sa isang event na hindi pa nababayaran tapos kailangang kailangan na nya kinabukasan. Matagal na yun na utang sa kanya pero the night before lang nya siningil. Di ko naman sya masisi kasi kailangan nya yon. Pero nung nalaman ko yung dahilan kung saan nya gagastusin, ay naku! Para lang may pambudget ka sa gala mo kaya ka maniningil ng ganung oras? I find it too selfish! Grabe! Dahil sa pera kaya parang gusto na nya magpakamatay. Really. Sinabi nya yun sakin. Di kasi nya sinabi sa magulang nya na may pupuntahan sya kaya di sya binigyan ng pera. Nung araw lang din yun kasi nya sinabi sa kanila. Kaya ang option nya ay maningil. Naku. Naku. Naku. Ang pangit lang tignan. Naalala ko nga yung sinasabi nila Mama na kapag may babayaran, sabihin ahead of time para makaprepare ng pera. Pero sya, bukas kailangan, ngayon lang manghihigi? Siguro nga hindi kami pareho pero sana naisip nya yon. Pero don't worry. Nasolve na naming dalawa ang money problem nya. :) Buti nalang daw nakausap nya ko. Kahit papaano daw ay nabawasan yung suicidal attempt nya.

PERA. PERA. PERA. Bakit nabuo ka pa? Alam mo ba na maraming nasisira ang buhay dahil sayo? OO, nakakadulot ka ng ginhawa pero hindi lahat kaya mong tapatan.

Di lang naman PERA ang sikat ngayon. Nandito narin si INTERNET na kinalolokohan ng mga tao gaya ko. Siguro, ang masasabi ko nalang, nasa TAO kung paanoo nya gagamitin ang mga ito. Sa Mabuti man o Masama. Pero sana wag nating kalimutan na tayo'y TAO. Ang mga iyan ay mga BAGAY lamang. Dapat ang BAGAY ang GINAGAMIT ng TAO, hindi TAO ang GINAGAMIT ng BAGAY. :)

Biyernes, Mayo 2, 2014

2014? #4

Alam nyo ba kung bakit 2014?

Sa bawat umpisa kasi ng taon, kinaugalian na naming magkakapatid na makinig sa mga astrologers o stargazers kung anu-ano ba ang posibleng mangyayari sa bawat Chinese Zodiac Signs. Sadyang gusto lang naming malaman kung anu-ano yung mga predictions. Nakakatuwa kasing marinig kung ano yung maaaring mangyari sayo buong taon lalo na kapag sumingit na ang usapang love status.

Hindi ko alam kung nagkataon lang na yung mga nakalagay sakin tungkol sa magiging takbo ng buhay pag-ibig ko ay parang medyo nagkakatotoo? hahaha. Hindi ko alam. Ewan ko lang. O baka nagkataon lang talaga. Hindi naman kasi ako ganun naniniwala dun. Nirerelate ko lang. :) Echos!

Ganito kasi yun, simula kasi nung pumasok ang taon, masasabi ko na parang naging makulay yung lovelife ko. hehehe (makulay talaga?) Hindi naman pero ewan ko ba. Ang daming nagparamdam sakin bigla. May mga taong hindi ko talaga kilala at yung iba naman ay dati ko nang nakilala. Hindi ko alam kung totoo nga ang sinasabi ng mga astrologers o sadyang nataon lang talaga na siguro medyo naging open ako sa tao kaya maraming nakikipag-usap sakin. Pero syempre, hindi pa naman tapos yung taon. Marami pang buwan na dadaan. Kung mangyari man, alam ko na inline yun sa gustong mangyari sakin ni Lord. :)

Hindi naman masama na maniwala sa Zodiac Signs o Horoscope. Maaari itong maging guide sa magiging takbo ng buhay natin pero syempre, hindi tayo dapat labis na umasa. Kailangan parin na pagtrabahuhan natin yung gusto nating makuha. At syempre, God must be the center of all. Siya lang ang may control sa buhay natin dahil hiram lang natin ito sa kanya.

Miyerkules, Abril 30, 2014

Puso #3

I don't know what to write ...

Hindi ko talaga alam kung anong isusulat ko. Marami akong naiisip "oo" pero alam ko na hindi ito ang gustong isulat ng mga kamay at puso ko. (May pag "puso" talaga. hahaha)


Puso. Naalala ko nga nung new member ako ng org namin, may nakapagsabi na alumni na dapat isinasapuso ang lahat ng ginagawa. Kailangan mo munang mahalin yung ginagawa mo para magawa mo ito ng maganda. Alam kong tama sya. Napaisip tuloy ako, kailan ko ba isinapuso yung ginagawa ko? Ang kasiyahan ba habang ginagawa mo ang isang bagay ay katumbas narin ng pagmamahal mo sa ginagawa mo?


Ako yung tipo ng tao na maraming katanungan sa buhay. (lahat naman siguro) Ako rin  yung tao na tinatanong yung iba kung ano ako sa paningin nila. Bakit? Hindi ko kasi alam o kilala kung ano o sino ba talaga ako. Meron bang ganun? May nakapagsabi sakin dati na sinabi sa kanya na normal lang na magdoubt ka sa sarili mo. Parte daw yun ng buhay ng isang tao. Senyales din na nagmamature ka na. Namotivate ako dun pero di ko parin maiwasan  na magtanong. Sabi rin ng iba, kulang lang daw siguro ako sa acceptance. Siguro nga oo pero ang makakasagot lang ng tanong ko ay ang sarili ko at syempre si Lord. :) I'm still in the process. :)


Speaking of... I had a heart to heart talk with God last night. Bakit? Hindi ko alam kung bakit "heart to heart talk", feel ko lang :). Hindi ko rin alam kung bakit ako napaiyak nung kinakausap ko sya. Aminado ako na napapalayo na ko sa kaniya kaya kagabi, bigla ko syang kinausap at naramdaman ko ulit na nandyan sya. Nandyan lang naman talaga sya. Ako lang naman yung lumalayo. :) Pero, ok na ko... Sana :)... Oo... Ok na ko... Kasi alam ko  na nandyan lang sya.


Hindi ganun konektado yung tatlong istorya na ibinahagi ko pero ang masasabi ko nalang, ito yung gustong isulat ng mga kamay ko at syempre ng PUSO ko :)

Lunes, Abril 28, 2014

Kulay ko to! #2

Hi! Dapat talaga kahapon ako magsusulat e, pero di ako makasingit sa ate ko... Anyway, usap-usapan kasi ngayon ang PBB all in. Maraming nagsasabi na scripted ito at puro mayayaman ang nakuha. Ang masasasabi ko lang, mukha nga... Naalala ko nga yung sinabi ni Mama nung nanonood kami ng opening, "Bat di ka sumali dyan?" ang sabi ko, "Ayoko kasi sobrang dami ng pumipili dyan at wala namang kukunin. Puro may mga backer o may kilala na sa loob ang nakakapasok."

Oo nga no, puro magaganda't gwapo yung mga kinuha nila. Naalala ko tuloy ng minsan akong makasama sa isang TVC. Naawa ako sa sarili ko at sa kagaya ko. Bakit? Ikaw ba naman kasi ang tanggalin sa kalagitnaan ng sayaw at pagkatapos mo matanggal ay pinaglagay ng pulbo sa tuhod yung mga babae. Meaning bawal maitim ang tuhod. In-short, ayaw nila sa maiitim na kagaya ko. Di sila tumitingin sa talento ng isang tao kundi sa pisikal na kaanyuan nito. Oo commercial sya pero, masama ba na ipromote ang totoong kulay talaga natin? Sabi ko nga sa sarili ko, pag ako naging direktor ang kukunin ko talaga yung ganda at kulay Pilipina. Para hindi na kailangang magpaputi ng mga gaya ko para lang magkaroon ng lakas ng loob na makatungtong o makita sa telebisyon at para maging proud sila sa kung ano ang meron sa kanila.

Kung ang mga taga-ibang bansa nga ay nagpapa-tan o nagpapaitim para magkaroon sila ng balat tulad natin e, tapos tayo gustong magpaputi para magaya natin sila? Oh Come On!

Hay! Kailan kaya mababago ang pag-iisip ng mga tao? Marami tayong nakikita kaya marami rin tayong napupuna. Maraming mapanghusga dahil sa siniset na standard ng isang tao... Meaning, tao ang nagseset. Paano nalang ang sinet na standard ni God?

Huwebes, Abril 24, 2014

Hello Again! #1

Hi Blog! Kamusta na? Tagal nang di naupdate ha... Akala ko nung una, for requirement purposes ka lang pero narealize ko kanina na hindi pala. May purpose ka rin no! hahaha... Alam mo kung bakit kita naalala? Gusto ko kasing matry yung mga ginagawa ng iba. Yung maging magaling sa pagsulat, pagbasa, at iba pa... (Alam ko kasi na kailangan ko to for the future.) hahaha... Ang naalala ko lang, pano ka gagaling kung di mo susubukan? Alam mo, dun kita naalala.

"May blog pala ko. Pwede akong magsulat dun. Di gaanong public gaya ng  facebook. Kaya pwedeng isulat kahit ano. Kung may makabasa o magcomment, fine. Unlimited pa ang pwedeng isulat. Pwede pa maglagay ng kahit ano. (Nag-advertise daw?)"

So yun, nagsulat ulit ako. Pero syempre, kakamustahin muna kita :) Ay! Maglalagay pala ako ng mga numbers sa title ha, para mabilis kong matandaan kung ano yung sinulat ko. Hmmm...Wala na kong maisip na maisulat. Gusto lang talaga kita kamustahin... Gagawin kitang Diary? Pero di nga lang ako araw-araw makakapagsulat, pag may time lang...  Pero try ko na araw-araw tutal bakasyon naman...

Sabi nga nila, magsimula ka muna sa maliit na bagay. Yung tipong nag-eenjoy ka muna dapat sa binabasa o sinusulat mo tsaka ka magtry mag-explore ng bago. Wag mong intindihin kung ano na yung mga narating ng iba na hindi mo pa narating. Ang intindihin mo ay kung paano ka uunlad sa sarili mong paraan. "Start small but Dream big." hehehe :)

Martes, Marso 4, 2014

Babae at Lalaki



Gatas at Itlog

Alagaan mo ang manok

Bibigyan ka ng itlog.

Ang gatas at ang itlog

Ay pagkaing pampalusog.
Ang saging at papaya
Ay pagkaing pampaganda.

Ikaw'y uminom ng gatas

At kumain ka ng itlog.
Hindi magtatagal
At ikaw'y bibilog.


        Ang pagpapakita ng mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng simbolo ay ang Teoryang Arkitaypal.

        Ang tulang Gatas at Itlog ay isang tulang pambata na tungkol sa nutrisyon. Sa aking pag-aanalisa sa tula, gumamit ang may-akda ng mga simbolo patungkol sa masusustansyang pagkain ngunit kung titignan maaari itong bigyang kahulugan na tungkol sa kasarian at pagsasama ng babae at lalaki. Kung titignan sa unang taludtod, mapapansin na ang manok ay nagsisilbing isang babae na dapat alagaan para makapagbigay ito ng anak. Sa ikalawang taludtod naman, ang gatas at papaya ay tumutukoy sa babae at ang itog at saging ay sa lalaki na kapag pinagsama ay magdudulot ng isang bunga. At sa ikatlo naman, kapag pinagsama ang gatas at itlog ay hindi magtatagal ay ikaw ay magiging malusog o ikaw ay bibiyayaan ng isang supling.

Sources:
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html





Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Wala kasi kaming ANDA!:)


Intramuros
Masayang makita ang ang isang lugar na bubuo sa iyong pagkatao. Unang tapak ko palang, napaWOW na ko. Bakit? Naaalala ko kasi yung mga tinuro sa amin sa History habang binabaybay ang mga kalye ng Intramuros. Simula sa mga pangalan ng kalye, gusali, at hanggang sa kapaligiran, mararamdaman mo talaga na nasa Pilipinas ka.

Lakad, takbo, kumuha ng litrato, kumain, matuto at magsaya ang ginawa ko dito. Sa una, nahihiya pang magpakuha ng litrato ngunit di nagtagal ay nagpakuha narin. Wala ng hiya-hiya. Bukod sa kailangan, gusto ko ring magkaroon ng mga ala-ala na maaari kong makita kahit wala na ko sa lugar na ito. Hindi naman halata na hindi ko gustong magpakuha ng litrato diba?



Hindi lang naman lugar ang pinunta namin dito. Kailangan rin ng makakain. 'Paano magiging espesyal ang pagkain? Sa lugar.' Kaya kahit softdrinks, food blog narin yan. E saktong nasa kalye kami ng Anda. Bigla kong naisip na, pwede na ito, mahal yung pagkain e. La kami ANDA. Nye?! Pero, habang naglalakad, nakakita pa kami ng iba pa naming kaklase at nagdesisyon na maghati-hati nalang sa pagbili ng pagkain.


Ang masasabi ko lang, mas masaya maglibot kung may kasama ka. Kasama magpaalam kung pwede bang kumuha ng litrato, kasama sa kalokohan, tawanan, at kung anu-ano pa.















Miyerkules, Enero 29, 2014

Di masamang tumulong!

Sa kabila ng kahirapan, may mga Pilipino parin na handang tumulong para sa mga nangangailangan. 01/28/14

Miyerkules, Enero 22, 2014

Ubusin mo yan. Maraming batang nagugutom!

“Maraming batang nagugutom.”

Ito ay isa sa mga katagang tumimo sa aking isipan nang mapakinggan ko ang mga balita sa telebisyon. Noong una, hindi ako makapaniwala na napakarami nating natatapon na kanin kada araw. Kung titignan, umaabot ng  tatlong kutsara sa isang araw o tatlong kilo ng kanin sa isang taon kada tao ang nasasayang nating mga Pilipino. (40+ kilo ng bigas times 3 times lahat ng tao sa Pilipinas=krookrookroo) Ewan ko nalang kung magkano aabutin nun!

Sa mahal ng kilo ng bigas, ilan na kayang mahihirap o pulubi ang makakakain kung hindi ito nasayang?

Tapos maririnig mo pa sa mga nainterview: “Kasi konti yung ulam”, “Kala kayang ubusin”, “Diet”, e kung wag nalang kaya kayong kumain? Sana pilitin mo nalang ubusin o kaya hindi ka nalang sana umorder ng isa pa.

Hay!...Sana lahat ng tao ay bata nalang at may isang magulang para kapag kumakain sa hapagkainan, laging papangaralan na, “Ubusin mo yan. Maraming batang nagugutom.” Hindi sana ganoon karami ang pagkain o kaning nasayang.:(


“Opo. Uubusin na po!”



Source:

Linggo, Enero 5, 2014

First Video Blog Ever

Sisters in Tandem

http://www.youtube.com/watch?v=eBTSBIdT6_o&feature=youtu.be

This video is not intended to please everyone.
It's just for fun!!! Chos!
Tamang bonding sa aking kapatid:)

For more details, just watch it and enjoy...:)