“Maraming
batang nagugutom.”
Ito ay isa
sa mga katagang tumimo sa aking isipan nang mapakinggan ko ang mga balita sa
telebisyon. Noong una, hindi ako makapaniwala na napakarami nating natatapon na
kanin kada araw. Kung titignan, umaabot ng
tatlong kutsara sa isang araw o tatlong kilo ng kanin sa isang taon kada
tao ang nasasayang nating mga Pilipino. (40+ kilo ng bigas times 3 times lahat ng tao sa Pilipinas=krookrookroo) Ewan ko nalang kung
magkano aabutin nun!
Sa mahal ng
kilo ng bigas, ilan na kayang mahihirap o pulubi ang makakakain kung hindi ito
nasayang?
Tapos
maririnig mo pa sa mga nainterview: “Kasi konti yung ulam”, “Kala kayang ubusin”,
“Diet”, e kung wag nalang kaya kayong kumain? Sana pilitin mo nalang ubusin o
kaya hindi ka nalang sana umorder ng isa pa.
Hay!...Sana
lahat ng tao ay bata nalang at may isang magulang para kapag kumakain sa
hapagkainan, laging papangaralan na, “Ubusin mo yan. Maraming batang nagugutom.”
Hindi sana ganoon karami ang pagkain o kaning nasayang.:(
“Opo. Uubusin
na po!”
Source:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento