Miyerkules, Abril 30, 2014

Puso #3

I don't know what to write ...

Hindi ko talaga alam kung anong isusulat ko. Marami akong naiisip "oo" pero alam ko na hindi ito ang gustong isulat ng mga kamay at puso ko. (May pag "puso" talaga. hahaha)


Puso. Naalala ko nga nung new member ako ng org namin, may nakapagsabi na alumni na dapat isinasapuso ang lahat ng ginagawa. Kailangan mo munang mahalin yung ginagawa mo para magawa mo ito ng maganda. Alam kong tama sya. Napaisip tuloy ako, kailan ko ba isinapuso yung ginagawa ko? Ang kasiyahan ba habang ginagawa mo ang isang bagay ay katumbas narin ng pagmamahal mo sa ginagawa mo?


Ako yung tipo ng tao na maraming katanungan sa buhay. (lahat naman siguro) Ako rin  yung tao na tinatanong yung iba kung ano ako sa paningin nila. Bakit? Hindi ko kasi alam o kilala kung ano o sino ba talaga ako. Meron bang ganun? May nakapagsabi sakin dati na sinabi sa kanya na normal lang na magdoubt ka sa sarili mo. Parte daw yun ng buhay ng isang tao. Senyales din na nagmamature ka na. Namotivate ako dun pero di ko parin maiwasan  na magtanong. Sabi rin ng iba, kulang lang daw siguro ako sa acceptance. Siguro nga oo pero ang makakasagot lang ng tanong ko ay ang sarili ko at syempre si Lord. :) I'm still in the process. :)


Speaking of... I had a heart to heart talk with God last night. Bakit? Hindi ko alam kung bakit "heart to heart talk", feel ko lang :). Hindi ko rin alam kung bakit ako napaiyak nung kinakausap ko sya. Aminado ako na napapalayo na ko sa kaniya kaya kagabi, bigla ko syang kinausap at naramdaman ko ulit na nandyan sya. Nandyan lang naman talaga sya. Ako lang naman yung lumalayo. :) Pero, ok na ko... Sana :)... Oo... Ok na ko... Kasi alam ko  na nandyan lang sya.


Hindi ganun konektado yung tatlong istorya na ibinahagi ko pero ang masasabi ko nalang, ito yung gustong isulat ng mga kamay ko at syempre ng PUSO ko :)

Lunes, Abril 28, 2014

Kulay ko to! #2

Hi! Dapat talaga kahapon ako magsusulat e, pero di ako makasingit sa ate ko... Anyway, usap-usapan kasi ngayon ang PBB all in. Maraming nagsasabi na scripted ito at puro mayayaman ang nakuha. Ang masasasabi ko lang, mukha nga... Naalala ko nga yung sinabi ni Mama nung nanonood kami ng opening, "Bat di ka sumali dyan?" ang sabi ko, "Ayoko kasi sobrang dami ng pumipili dyan at wala namang kukunin. Puro may mga backer o may kilala na sa loob ang nakakapasok."

Oo nga no, puro magaganda't gwapo yung mga kinuha nila. Naalala ko tuloy ng minsan akong makasama sa isang TVC. Naawa ako sa sarili ko at sa kagaya ko. Bakit? Ikaw ba naman kasi ang tanggalin sa kalagitnaan ng sayaw at pagkatapos mo matanggal ay pinaglagay ng pulbo sa tuhod yung mga babae. Meaning bawal maitim ang tuhod. In-short, ayaw nila sa maiitim na kagaya ko. Di sila tumitingin sa talento ng isang tao kundi sa pisikal na kaanyuan nito. Oo commercial sya pero, masama ba na ipromote ang totoong kulay talaga natin? Sabi ko nga sa sarili ko, pag ako naging direktor ang kukunin ko talaga yung ganda at kulay Pilipina. Para hindi na kailangang magpaputi ng mga gaya ko para lang magkaroon ng lakas ng loob na makatungtong o makita sa telebisyon at para maging proud sila sa kung ano ang meron sa kanila.

Kung ang mga taga-ibang bansa nga ay nagpapa-tan o nagpapaitim para magkaroon sila ng balat tulad natin e, tapos tayo gustong magpaputi para magaya natin sila? Oh Come On!

Hay! Kailan kaya mababago ang pag-iisip ng mga tao? Marami tayong nakikita kaya marami rin tayong napupuna. Maraming mapanghusga dahil sa siniset na standard ng isang tao... Meaning, tao ang nagseset. Paano nalang ang sinet na standard ni God?

Huwebes, Abril 24, 2014

Hello Again! #1

Hi Blog! Kamusta na? Tagal nang di naupdate ha... Akala ko nung una, for requirement purposes ka lang pero narealize ko kanina na hindi pala. May purpose ka rin no! hahaha... Alam mo kung bakit kita naalala? Gusto ko kasing matry yung mga ginagawa ng iba. Yung maging magaling sa pagsulat, pagbasa, at iba pa... (Alam ko kasi na kailangan ko to for the future.) hahaha... Ang naalala ko lang, pano ka gagaling kung di mo susubukan? Alam mo, dun kita naalala.

"May blog pala ko. Pwede akong magsulat dun. Di gaanong public gaya ng  facebook. Kaya pwedeng isulat kahit ano. Kung may makabasa o magcomment, fine. Unlimited pa ang pwedeng isulat. Pwede pa maglagay ng kahit ano. (Nag-advertise daw?)"

So yun, nagsulat ulit ako. Pero syempre, kakamustahin muna kita :) Ay! Maglalagay pala ako ng mga numbers sa title ha, para mabilis kong matandaan kung ano yung sinulat ko. Hmmm...Wala na kong maisip na maisulat. Gusto lang talaga kita kamustahin... Gagawin kitang Diary? Pero di nga lang ako araw-araw makakapagsulat, pag may time lang...  Pero try ko na araw-araw tutal bakasyon naman...

Sabi nga nila, magsimula ka muna sa maliit na bagay. Yung tipong nag-eenjoy ka muna dapat sa binabasa o sinusulat mo tsaka ka magtry mag-explore ng bago. Wag mong intindihin kung ano na yung mga narating ng iba na hindi mo pa narating. Ang intindihin mo ay kung paano ka uunlad sa sarili mong paraan. "Start small but Dream big." hehehe :)