Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Wala kasi kaming ANDA!:)


Intramuros
Masayang makita ang ang isang lugar na bubuo sa iyong pagkatao. Unang tapak ko palang, napaWOW na ko. Bakit? Naaalala ko kasi yung mga tinuro sa amin sa History habang binabaybay ang mga kalye ng Intramuros. Simula sa mga pangalan ng kalye, gusali, at hanggang sa kapaligiran, mararamdaman mo talaga na nasa Pilipinas ka.

Lakad, takbo, kumuha ng litrato, kumain, matuto at magsaya ang ginawa ko dito. Sa una, nahihiya pang magpakuha ng litrato ngunit di nagtagal ay nagpakuha narin. Wala ng hiya-hiya. Bukod sa kailangan, gusto ko ring magkaroon ng mga ala-ala na maaari kong makita kahit wala na ko sa lugar na ito. Hindi naman halata na hindi ko gustong magpakuha ng litrato diba?



Hindi lang naman lugar ang pinunta namin dito. Kailangan rin ng makakain. 'Paano magiging espesyal ang pagkain? Sa lugar.' Kaya kahit softdrinks, food blog narin yan. E saktong nasa kalye kami ng Anda. Bigla kong naisip na, pwede na ito, mahal yung pagkain e. La kami ANDA. Nye?! Pero, habang naglalakad, nakakita pa kami ng iba pa naming kaklase at nagdesisyon na maghati-hati nalang sa pagbili ng pagkain.


Ang masasabi ko lang, mas masaya maglibot kung may kasama ka. Kasama magpaalam kung pwede bang kumuha ng litrato, kasama sa kalokohan, tawanan, at kung anu-ano pa.